Monday, November 4, 2024

‘TIGILAN NA ANG KAHIBANGAN!’ Bongalon Sa Senate: Tapusin Na Ang ‘PDEA Leaks’ Hearing

267

‘TIGILAN NA ANG KAHIBANGAN!’ Bongalon Sa Senate: Tapusin Na Ang ‘PDEA Leaks’ Hearing

267

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon sa pamunuan ng Senado na makialam at itigil ang imbestigasyon sa tinatawag na “PDEA leaks,” dahil sa kakulangan ng malaking ebidensya at kuwestiyonableng testimonya na ipinakita sa mga pagdinig.

“What is at stake here is the integrity of the institution. Kung madalas tayong makakakita, makakarinig ng ganitong klaseng imbestigasyon in aid of legislation, wala naman pong nakukuha na sapat na ebidensya o impormasyon out of these three hearings conducted by the Senate, particularly the Committee on (Public Order and) Dangerous Drugs,” aniya sa isang press conference.

Kinuwestiyon din ni Bongalon ang kredibilidad ng dating intelligence officer ng PDEA na si Jonathan Morales, na nagsabing siya ang naghanda ng mga dokumento na nag-uutos na target ng ahensya noong 2012 ang senador noon na si Pangulong Bongbong Marcos,  at aktres na si Maricel Soriano. Idineklara naman ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang mga dokumentong ito na “fabricated” at ang mga paratang ni Morales ay “walang batayan.”

“So with these kinds of testimonies, there is no even corroborative evidence, there is no documentary evidence being presented,” pagdidiin ni Bongalon. “We’re just wasting our time and effort instead of focusing our investigation on more important issues being faced by our country,” dagdag niya.

Sumang-ayon naman dito si Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V at idiniin ang pangangailangang kumpirmahin ang pagiging totoo ng mga ebidensyang ipinakita sa mga hearing.

“With the way things are going, is the information true? May katotohanon po ba sa mga lumalabas na impormasyon kasi iyon po ang kailangang sundin eh,” aniya.

Nababahala rin si Ortega sa paglalaan ng government resources sa isang pagsisiyasat kung saan ang karamihan ng mga senador ay nagdududa sa kredibilidad ng mga paratang ni Morales.

“Sayang po ang time and resources kung parang majority po sa kanila ang tingin dito walang validity, walang katotohanan na iyong pinagsasabi nung resource person nila.”

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila