Saturday, January 11, 2025

Tigilan Na Ang Tsismis! Disiplina At Paggalang Paalala Ni Binoe Sa Mga Politiko

21

Tigilan Na Ang Tsismis! Disiplina At Paggalang Paalala Ni Binoe Sa Mga Politiko

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinimok ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ang mga kapwa pulitiko na magkaroon ng disiplina at paggalang, na aniya’y natutunan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kanyang pagbisita sa Camp Aguinaldo para sa World Hijab Day, pinunto ni Padilla ang kahalagahan ng disiplina at pagkakaisa, isang aspeto na kanyang ipinagmalaki na maaring magdulot ng magandang pagbabago sa bansa.

“Kung sana matututo ang ating mga pulitiko sa AFP na marunong sa paggalang at pakikiisa, hindi sana tayo nabubuhay sa tsismis. Ang pulitika natin puro tsismis na rin,” aniya.

“(Sana rin), makuha ng pulitiko ang disiplina at professionalism. Sapagka’t ang pag-unlad ng bayan natin, mag-uumpisa sa paggalang at disiplina… Kung makuha lang natin ang disiplina na ito, darating ang araw tayong mga Pilipino di lang sa usapin ng hijab kundi lahat na aspeto ng kultura, lengwahe at tradisyon, uunlad tayo,” dagdag ng mambabatas.

Iginiit din niya ang pangangailangan na palakihin ang badyet ng AFP upang masuportahan ang mga programa nito na naglalayong mapanatili ang tiwala ng sambayanan, kasama na ang pagsusuot ng hijab.

“Hiling natin sa ating mga namumuno sa executive at legislative, mas lakihin pa budget ninyo hindi lang sa organization kundi sa sinusulong ninyo na ganitong bagay, winning the hearts and minds of the Filipino people,” sabi ni Padilla.

Binigyang-diin din ng senador ang kanyang suporta para sa pagsasabatas ng National Hijab Day sa Pilipinas tuwing Pebrero 1.

Aniya, natuwa siya nang malamang pinayagan ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang kababaihan sa AFP na magsuot ng hijab, kung kaya’t hiniling niya sa ehekutibo na palakihin ang budget ng AFP para sa mga programa nitong makuha ang tiwala ng taumbayan, tulad ng pagsuot ng hijab.

Sa huli, nanawagan si Padilla na mawala na sa isipan ng mga tao ang maling pananaw sa mga Muslim, at ituring ang lahat ng tao ng may paggalang. “Kaya sana po dumating ang panahon na mawala sa isip ng kapatid nating senador na ang mga Muslim ay ipinipilit nila yan. There is no compulsion in religion,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila