Sunday, June 30, 2024

‘TINARANTADO NIYO’! Zamora Pinaliguan Ng Sermon Ang Mga Nanggulo Sa Wattah Wattah Festival

183

‘TINARANTADO NIYO’! Zamora Pinaliguan Ng Sermon Ang Mga Nanggulo Sa Wattah Wattah Festival

183

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Siniguro ni San Juan City Mayor Francis Zamora na mananagot sa batas ang mga mapapatunayang nanggulo sa Wattah Wattah Festival nang hikayatin niya ang mga biktima nito na magsampa ng kaso o reklamo sa kanilang tanggapan.

Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ni Zamora na dismayado siya sa dumaraming online videos na kumakalat at nagpapakita na sila at na-agrabyado sa nasabing selebrasyon.

Ang nasabing online videos ay nagpapakita na may mga indibidwal na nabasa ng walang pahintulot at may ilan ring pilit binubuksan ang pinto ng kanilang mga sasakyan upang masabuyan sila ng tubig.

Dahil dito, naging mariin si Zamora sa pagbibigay solusyon sa reklamo ng mga naging biktima at sinabing makukulong ang mga may sala upang pagbayaran ang kanilang panggugulo sa taumbayan.

“Gumawa kayo ng kalokohan. Nanggulo kayo sa ating kapistahan. Tinarantado niyo yung mga nananahimik na mga mamamayan na nagsasabi na huwag kami basain so kailangan nila harapin yung parusa.”

Dagdag pa niya, ang kanilang ginawa ay hindi lamang nakaperwisyo sa mamamayan ngunit nagkalamat din sa imahe ng kanilang siyudad.

“Sinisira nila ang imahe at reputasyon ng lungsod ng San Juan at ang kapistahan ni San Juan Bautista.”

Ani Zamora, naging malinaw ang kanilang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan ng San Juan na hindi dapat sila manakit ng residente, mag-alog o magbukas ng pinto ng pribadong sasakyan, at mambasa sa mga nakasakay sa pampublikong sasakyan.

Upang madaling matunton ang mga dapat managot sa Wattah Wattah Festival, hinikayat ni Zamora ang mga biktima na lumapit sa kanilang tanggapan upang personal na maituro ang mga namerwisyo sa kanila.

“We will help them. We will support them all the way. Huwag po kayong magdalawang isip, personal ko po kayong tutulungan at kaisa niyo ako na maparusahan ang mga taong nanggulo sa ating kapistahan.”

Maalalang maraming netizens ang nag-upload sa social media ng kanilang pagkadismaya sa mga di umano’y nagsaboy ng tubig sa kanila ng walang pahintulot.

Kumalat na rin sa online platforms ang insidente na sinabuyan ng muratic acid ng isang rider ang isang residente ng San Juan bilang ganti at depensa niya sa taon-taon na pangbabasa sa kanya ng mga residente tuwing pista sa San Juan.

Photo credit: Facebook/MayorFrancisZamora

President In Action

Metro Manila