Friday, February 21, 2025

TODO-SUPORTA! Lacson: PBBM Strategy, Epektibo Kontra China

24

TODO-SUPORTA! Lacson: PBBM Strategy, Epektibo Kontra China

24

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Malinaw at matibay ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa West Philippine Sea (WPS): Walang isusukong kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas. At ayon kay dating Senador Panfilo “Ping” Lacson, epektibo ang estratehiyang ito laban sa banta ng China.

Sa isang press conference ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Dumaguete City nitong Huwebes, iginiit ni Lacson ang buong suporta niya sa polisiya ni PBBM laban sa anumang panghihimasok ng dayuhang bansa sa teritoryo ng Pilipinas.

“Kami, we are in full support of the policy of President Bongbong. Iyong policy niya diyan sa West Philippine Sea napaka-obvious na sinabi niya na hindi tayo magsu-surrender not even an inch, maski isang pulgada hindi natin isu-surrender,” pahayag ni Lacson.

Balance Of Power Vs China

Ayon kay Lacson, ang hakbang ni PBBM na bumuo ng alyansa sa mga makapangyarihang bansa ay isang matalinong hakbang para pigilan ang agresibong galaw ng China sa WPS.

“Ang isang ginagawa niya ngayon na nagugustuhan ko, ako personally, ‘yong nakikipag-alliance siya sa iba’t ibang countries na malalakas, kung ‘di man sing-lakas ng Tsina, ay pag nagsama-sama, nag-consolidate, magiging kasing lakas o mas malakas pa sa Tsina,” dagdag pa ng dating senador.

Naniniwala si Lacson na hindi ito hakbang para lumala ang tensyon kundi isang matibay na depensa laban sa posibleng pagsalakay.

Kapag may balance of power, mag-iisip nang sampung beses ang China bago umatake sa isang barko ng Pilipinas o ng ating mga kaalyado, diin ni Lacson.

Mutual Defense Treaty: Panangga Ng Pilipinas

Bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP), binigyang-diin din ni Lacson ang kahalagahan ng Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos bilang sandata laban sa banta ng China.

“Ang isang potent sa arsenal natin ‘yong Mutual Defense Treaty… An assault to a public vessel on either country is deemed as an assault on the public vessel of the other country,” paliwanag niya.

Ang West Philippine Sea ay bahagi ng malawak na South China Sea na patuloy na inaangkin ng Beijing sa kabila ng desisyon ng international arbitration noong 2016 na nagpawalang-bisa sa malawakang claim ng China. Ngunit hanggang ngayon, mariin pa rin itong tinatanggihan ng Beijing.

Photo credit: Facebook/AlyansaparasaBagongPilipinasOfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila