Isinulong ni Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña ang “Kian Bill” o ang Public Health Approach to Drug Use Act, na naglalayong magbigay ng makatao at health-based na solusyon sa problema sa droga habang nagbibigay ng proteksyon sa karapatan ng bawat Pilipino.
Ayon sa kanya, taliwas sa madugong kampanya ng dating administrasyon, nilalayon ng “Kian Bill” na pigilan ang pagkamatay ng mga inosenteng kagaya ni Kian. Ani Cendaña, imbes na dahas at bala, tulong at tamang lunas ang ibibigay sa drug users.
Kung sakaling mapatupad, ipagbabawal ng “Kian Bill” ang paggamit ng “tokhang or drug lists, torture, unlawful police interference, and other cruel methods used in the drug war.”
May katulad na panukala rin sa Senado ang Kian Bill na isinusulong naman ni Senador Risa Hontiveros.
Ayon sa human rights activists, may 30,000 katao ang namatay dahil sa madugong drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte, mas malaki kaysa sa 6,000 na iniulat ng dating administrasyon.
Photo credit: Facebook/AkbayanTeamPerci