Friday, November 15, 2024

TOTOONG HINDI PEKE?! Sen. Bato Nanindigan Sa PDEA ‘Leaked’ Docs Tungkol Kay PBBM

399

TOTOONG HINDI PEKE?! Sen. Bato Nanindigan Sa PDEA ‘Leaked’ Docs Tungkol Kay PBBM

399

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing nanindigan si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagiging totoo ng kumakalat na “leaked document” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tungkol sa di umano’y paggamit ng iligal na droga ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa nakaraang hearing sa Senado, ibinulgar na base sa kumakalat na dokumento, isa raw si Marcos sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa isang condominium sa Makati City kasama ang iba pang tauhan ng pamahalaan. Dahil dito, nagkaroon ng Authority to Operate and a Pre-Operation Report noong Marso 2012.

Ang nasabing “leaked document” ay nakasaad sa Authority to Operate and a Pre-Operation Report na may petsang Marso 11, 2012, kung kailan isang senador pa lamang si Marcos. Ito raw ay pirmado ni dating PDEA intelligence officer Jonathan Morales na nagpaunlak din ng pahayag sa nakaraang hearing.

Saad ni Morales, totoong dokumento ang kumakalat ngayon online dahil isa siya sa tumanggap ng impormasyon na ito.

“Ako ho ‘yung imbestigador na humarap doon sa confidential informant at ‘yung confidential informant na yun kinunan ko ng statement kasi ‘yung kanyang mga ipinakikitang litrato masyado mabigat ‘yung mga involve, merong artista, merong politician, merong civilian,” aniya.

Umugong ang maraming espekulasyon tungkol rito, kasama na ang anggulong hindi totoo at gawa lamang ang dokumento gamit isang artificial intelligence application o AI app.

Hindi naman sumang-ayon ang dating PNP chief na si Sen. Bato sa naturang alegasyon dahil aniya, ang itsura ng dokumento ay nagpapakita na galing umano ito sa mga papeles na itinatago ng PDEA.

“Klaro na siya ay galing sa isang malaking […] parang folder. Kung saan tinanggal lang siya sa fastener. Dahil ‘yung pag-picture sa kanya at pag-photocopy ay nakikita sa kanya ang hole puncher na dinaanan niya para ipasok sa fastener,” aniya.

Katwiran ng senador, malaki din ang posibilidad na totoo ang mga dokumento dahil nagsasaad umano ito ng mga impormasyon tungkol sa mga sasakyan na ginamit ng mga taong sangkot kung saan sinabi niyang “organic vehicles” ng PDEA.

Ayon pa kay Bato, ang pagiging “straightforward” din daw ni Morales sa nasabing hearing ay nagpapakita na ang dokumentong kumakalat ay totoo dahil isa siya sa nakapirma sa papeles.

Dahil sa kumakalat na alegasyon laban kay Marcos, nais ng senador na magkaroon ng karagdagang hearing para marinig na rin ang parehong panig ng PDEA at ng Pangulo tungkol sa kontrobersyal na isyu.

“Hindi po ito investigation in aid of persecution. Kaya tayo naghi-hearing para pakinggan both sides. Hindi po isang side lang ang pakinggan natin,” pahayag pa ni Bato sa kanyang Facebook post.

Photo credit: Facebook/OfficialPageofRonaldBatoDelaRosa

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila