Wednesday, January 22, 2025

Triggered Sa Surot At Daga! Mga Kongresista Nanawagan Para Sa NAIA Improvement

78

Triggered Sa Surot At Daga! Mga Kongresista Nanawagan Para Sa NAIA Improvement

78

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bilang tugon sa kamakailang mga ulat ng bed bug infestation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nananawagan ang mga mambabatas para sa mga agarang hakbang upang matiyak ang kaligtasan at ginhawa ng mga pasahero, partikular na ang mga Filipino migrant worker at mga balikbayan.

Nagpahayag ng matinding pagkabahala sa umiiral na mga kondisyon sa NAIA Terminals 2 at 3 si OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” Magsino at binigyang-diin ang mga nakababahalang account ng bed bug at rodent sightings, na nagdulot ng alarma at lumikha ng discomfort sa mga pasahero. Aniya, ang mga ganitong isyu ay hindi lamang nakakaabala sa mga pasahero kundi nakakasira din sa international reputation ng bansa.

“Batid natin na ang pamunuan ng Department of Transportation at Manila International Airport Authority ay nagsasagawa na ng komprehensibong inspeksyon sa kaangkupan ng pasilidad at sanitasyon sa paliparan, subalit nais din natin imungkahi sa ating mga ahensya ang pagsasagawa ng malalim na pag-aaral kung ano ang contributing factors sa matinding congestion at delay sa loob ng airport …” dagdag ni Magsino.

Kinuwestiyon din niya ang mga paulit-ulit na problemang ito at ang kawalan ng pangmatagalang solusyon.

Binanggit din ng mambabatas ang kritikal na papel ng mga paliparan bilang mga gateway sa turismo at labor migration, at binigyang-diin ang mga potensyal na epekto ng mga delayed departure para sa mga overseas Filipino worker at kanilang mga kabuhayan.

Samantala, idiniin ni KABAYAN Partylist Rep. Ron P. Salo ang pangangailangan ng mabilis na aksyon bilang tugon sa insidente ng surot. Nanawagan siya sa pamunuan ng NAIA na makipagtulungan sa mga operator at agarang tugunan ang mga pamantayan sa kalinisan upang maibalik ang kumpiyansa ng publiko.

“We cannot compromise on the safety and comfort of our travelers,” giit ni Salo. Hinikayat din niya ang mga pasahero na manatiling mapagbantay at iulat kaagad ang anumang infestation ng mga peste o isyu sa kalinisan.

Ikinatuwa din ng chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang kamakailang anunsyo tungkol sa pagkapanalo ng San Miguel Corp. sa isang bidding na layong i-upgrade ang NAIA. Tiningnan niya ito bilang isang pagkakataon upang matugunan ang matagal nang mga problema sa paliparan.

“We trust that the envisioned NAIA upgrade will be undertaken soonest to finally and permanently address such concerns,” aniya.

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila