Saturday, January 18, 2025

Tulfo: Aksyunan Ang Kalunos-Lunos Na Kondisyon Sa Mga Resettlement Areas

9

Tulfo: Aksyunan Ang Kalunos-Lunos Na Kondisyon Sa Mga Resettlement Areas

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binigyang-diin ni Senator Raffy Tulfo na dapat ay may sapat na plano ang gobyerno para matiyak na maayos ang kondisyon ng mga resettlement area na paglilipatan ng informal settler families (ISFs).

Inilarawan niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga mahihirap na ini-relocate sa mga lugar na walang kuryente o linya ng tubig, walang maayos na kalsada, at sira-sirang bahay habang kausap ang National Housing Authority (NHA) at Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) sa hearing ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement.

“May mga reklamo akong natatanggap mula sa mga mahihirap nating mga kababayan na ang mga bahay na pinaglipatan sa kanila ay walang kuryente, walang tubig, hindi maayos ang sewage system, sira-sira ang dingding, tumutulo ang bubong at malamok.”

Hindi tinatrato nang maayos ang mga ISF sa ibinibigay sa kanilang bahay ng gobyerno. Paglalarawan ni Tulfo: “Minsan mas mabuti pa nga ang mga tangkal ng mga baboy: may kuryente, may tubig, may tamang ventilation. Ang mga tao sa mga resettlement areas, kawawang-kawawa,” aniya.

Ibinahagi ng mambabatas ang suhestiyon na tanggalin na ang minimum na bilang ng tao na kinakailangan ng mga utility company bago magkabit ng linya ng tubig o kuryente. Aniya, ito ang dahilan kung bakit hindi makabitan ng linya ang ilang mga komunidad.

Dagdag ni Tulfo, malayo pa ang nilalakad ng mga residente bago makasakay sa mga pampublikong transportasyon. “Inhabitants, especially students, would still have to walk for one to two kms before having access to mass transportation.”

Maglagay din ng mga barangay at police outpost sa mga resettlement area upang matiyak ang kaayusan at matigil ang mga krimen sa komunidad, aniya.

Iminungkahi naman ng senador na gamitin ang National ID system para para madaling makilala ang mga ISF at professional squatter na sinasamantala ang government housing program.

Aniya, may mga propesyonal na squatter na nagbebenta ng ari-arian na iginawad sa kanila bago maghanap nanaman ng ibang malilipatan na tirahan.

Photo Credit: Facebook/OfficialNHA

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila