Tatakbo ang dalawa pa sa kapatid ni Senador Raffy Tulfo sa darating na 2025 Senatorial Race. Iyan ang kinumpirma nina Ben at Erwin Tulfo. Si Erwin, dating Department of Social Welfare and Development secretary, ay tatakbo sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., habang si Ben ay independent candidate.
Nang tanungin tungkol sa posibilidad ng “Tulfo dynasty,” sinabi ni Erwin na nasa taumbayan ang desisyon.
“Well, we’ll leave it to the voters. We’ll leave it to the public. Kung gusto nila, then, nasa kanila ‘yun. Kung ayaw nila ng Tulfo at all sa Senate, tama na si Raffy, then nasa tao ‘yun. Nasa discretion ‘yun ng mga kababayan natin. Pero like I was saying kanina, for now, sabi ko, dalawa ang magiging kakampi ng mga inaapi sa Senado. Kung isasama si Ben as independent, nasa sa voters po ‘yun,” saad ni Erwin sa isang media conference.
Si Ben naman ay muling inulit ang kanyang adbokasiya para sa mga inaapi at nag-deklara na tatakbo siya dahil sa malakas na suporta ng publiko. Balak niyang tutukan ang mga isyu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ekonomiya, at peace and order.
Pumangatlo sa nakakuha ng pinakamataas na boto si Senador Raffy Tulfo noong 2022 elections.