Sunday, January 12, 2025

Sen. Tulfo Nanawagan Ng Special Ticket Rates Para Sa Mga Pauwing OFW

6

Sen. Tulfo Nanawagan Ng Special Ticket Rates Para Sa Mga Pauwing OFW

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinimok ni Senador Raffy Tulfo ang mga airline company na mag-alok ng discounted na pamasahe sa mga umuuwi na overseas Filipino workers (OFWs) na gustong makasama muli ang kanilang mga pamilya matapos mawalay sa mahabang panahon.

Sinabi niya sa isang pahayag na inilabas nitong Miyerkules na ang aberya ng Civil Aviation Authority of the Philippines’ (CAAP) Communications, Navigation, and Surveillance System for Air Traffic Management (CNS/ATM) ang dahilan ng pagtaas ng gastos sa pamasahe papasok at palabas ng bansa.

Ito rin ang dahilan kung bakit maraming OFWs ang naantala ang matagal na sanang planadong bakasyon sa bansa upang makapiling ang kani-kanilang pamilya para ipagdiwang ang nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Iginiit ni Tulfo na ilang OFW na nagalit sa pagkasira ng CNS/ATM ang lumapit sa kanya para ireklamo ang umano’y sobrang pagmamalabis sa pagtaas ng pamasahe ng ibang aircraft companies. Ang one-way airline ticket mula Manila papuntang Japan, halimbawa, ay nagkakahalaga ng P90,000 at P140,000, na hindi kayang bayaran ng mga OFW na may mahigpit na budget.

Partikular na hinimok ng mambabatas ang Philippine Airlines at Cebu Pacific na ikonsidera ang pagbibigay ng preferencial pricing system na pumapabor sa mga OFWs na itinuturing na mga bayani sa bansa.

“It would be unfair for our OFWs to absorb the fault or negligence of CAAP for the maintenance of their CNS/ATM system. Marami sa kanila isang beses lang o mas malimit pa makauwi sa isang taon. Yung pera na sana pangpasalubong o di kaya pang suporta sa kanilang pamilya ay pilitang napunta na lang sa pamasahe,” aniya.

Ayon sa isang airline company na nakipag-ugnayan sa opisina ni Tulfo, ang biglaang pagtaas ng mga pamasahe ay dulot ng demand-based algorithm na ginagamit ng mga airline para magpataw ng pagtaas ng pamasahe.

Nakipag-ugnayan ang senador mula sa Isabela at Davao sa Department of Migrant Workers para tanungin ang posibilidad na magbigay ng subsidies para sa bawas-pasahe sa mga OFW na apektado ng isyung ito.

“I stand with my colleagues, especially Sen. Grace Poe and the Senate President Zubiri in initiating an investigation as to the breakdown of essential navigational and air traffic control systems,” aniya.

Sa muling pagbubukas ng Senado sa Enero 23, isa sa mga unang paksa sa agenda nito ay ang pagbagsak ng CNS/ATM.

Photo credit: Facebook/dmw.gov.ph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila