Wednesday, January 15, 2025

UMALMA! Rep. Chua Tutol Sa Pagpapatanggal Ng Tattoo Ng Mga Pulis!

339

UMALMA! Rep. Chua Tutol Sa Pagpapatanggal Ng Tattoo Ng Mga Pulis!

339

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing tinututulan ni Manila Representative Joel Chua ang inilabas na memorandum ng Philippine National Police (PNP) ukol sa pagpapatanggal ng tattoo ng mga pulis at kadete sa bansa.

Kamakailan lang ay inanunsyo ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ang pagpapatupad ng Memorandum Circular 2024-023 na nag-uutos sa lahat ng kadete at kapulisan na ipatanggal ang kanilang tattoo na visible kapag sila ay naka-uniporme. Dapat rin silang mag-sumite ng affidavit tungkol dito.

Sinabi rin ng PNP na bibigyan nila ang mga personnel ng tatlong buwan para sa pagpapatanggal ng kanilang tattoo at magkakaroon ng karampatang administrative charges laban sa sinumang tumanggi sa kautusan.

Dahil sa pahayag na ito, umalma si Chua at mariing sinabi na hindi ito makatarungan dahil karapatan ng mga pulis na magkaroon ng tattoo at hindi na dapat sakop ng ahensya.

Aniya, walang basehan ang pagpapatupad nila nito dahil wala namang direktang epekto ang mga tattoo sa serbisyo ng mga pulis at kadete sa bansa.

“Tattoos are an art form of expression. The Constitution protects freedom of expression. By all indications, the PNP policy on tattoos is unconstitutional,” saad ni Chua sa kanyang official statement.

Pagpapaliwanag pa niya, hindi naman talaga tinatanggap sa serbisyo ang isang personnel kung ang kanyang tattoo ay nagpapakita ng pagiging miyembro ng criminal organization. Ngunit, hindi pa rin ito sapat na basis para ipatanggal lahat ng tattoo ng mga pulis at kadeta.

“It is the membership in the criminal organization that must be proven first. Tattoos are not probable cause for that – not even membership in jail gangs – because it is the criminal activity that must be proven to actually exist, not the mere presence of the tattoos,” aniya.

Saad ni Chua, ang ordinansa lang ng Philippine Red Cross ang may katuturan kaugnay sa mga tattoo ng personnel dahil valid ang kanilang rason na ito ay makakaapekto kung sila man ay magiging blood donor.

“Recent tattoos not more than one year disqualify the applicant from giving blood, but if the tattoo is more than one year ago, the blood donor may give blood,” aniya.

Ayon sa PNP, ang memorandum ay para maipakita sa taumbayan na ang ating mga kapulisan at kadete ay karespe-respeto dahil na rin sa kanilang katayuan bilang isa sa mga napapanatili ng kapayapaan sa bansa.

Sinabi Fajardo na dapat ay may limitasyon ang pagkakaroon ng tattoo dahil hindi to disenteng tingnan lalo na kapag naka-uniform na ang mga personnel.

“For some, sinasabing creative art ito, expression of oneself, belief sa artistic side po nila but in every right, there are boundaries. Dito ay nasa loob tayo ng uniformed service kasi pangit na naka-uniform ang pulis natin na tadtad ng tattoo,” aniya sa isang media conference.

Photo credit: Facebook/AbogadoNgDistrito

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila