Inihayag ng liderato ng Quad Committee ng House of Representatives (quadcom) na magrerekomenda sila ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga, Philippine offshore gaming operators (POGOs), at extrajudicial killings (EJKs) noong nakaraang administrasyon.
Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, kasama sa mga makakasuhan ang mga aktibo at kamakailan lamang nagretiro na opisyal ng gobyerno. “Lahat ng recommendations namin, assuming na magfa-file kami ng kaso, kasama dito ang active at recently retired officials,” aniya.
Tinatayang aabot sa sampung indibidwal ang maaring maharap sa mga kaso base sa findings ng quadcom.
Sa 12 hearings ng komite, 15 remedial legislative proposals ang nabuo, kabilang ang:
- pagdedeklara ng EJKs bilang heinous crimes;
- at pagbuo ng inter-agency committee para pabilisin ang pagkansela ng mga pekeng birth certificates na ginagamit ng mga Chinese nationals para makakuha ng Filipino citizenship at ari-arian.
Ayon kay Barbers, ang mga findings ng quadcom ay magbibigay-daan sa mas mabilis na aksyon sa lehislatura at posibleng sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sinabi ng mambabatas na mahalaga ang progress report sa plenaryo para mapabilis ang aksyon sa mga isyung dapat tugunan kaagad.
Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH