Friday, January 17, 2025

Villanueva Nanawagan Na Punan Ang Mga Bakanteng Posisyon Sa Gobyerno

12

Villanueva Nanawagan Na Punan Ang Mga Bakanteng Posisyon Sa Gobyerno

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villauneva sa Marcos administration na wakasan na ang problema sa mga permanenteng posisyon sa mga opisina at ahensya ng gobyerno na aniya’y hindi napupunan.

Naibahagi ni Villanueva ang hinaing na ito sa nakaraang briefing ng Senado para sa 2023 National Expenditure Program kung saan ipinunto niya na ang isyu ng pagkabungi sa mga permanenteng posisyon ay prinoproblema na simula pa 2017.

Ayon sa dismayadong senador, kahit pa ang gobyerno ang pinakamalaking employer sa bansa, ito ay may malaking problema sa pagpuno sa mga permanenteng posisyon. 

Nalulungkot umano siya na ang problemang ito ay nangyayari kahit pa maraming Pilipino ang walang trabaho at may mga panukala pang magbawas ng tauhan.

“Para na po tayong sirang plaka. Taon-taon na po natin itong sinasabi pero maliit pa lang po ang nakikitang nating pag-usad upang lutasin ang problemang ito. We have to do better for the sake of our workers and our bureaucracy,” pahayag ng mambabatas.

Ayon sa datos ng Financial Year 2023 Staffing Summary ng Department of Budget and Management, ini-report ni Villanueva na sampung porsyento o 170,668 na authorisadong posisyon sa gobyerno ang kasalukuyang bakante. 

Mungkahi niya, dapat umanong linawin ng pamahalaan ang dami ng mga posisyon na available, dinagdag din niya na sa kasalukuyan ay may 642,077 na empleyado ang nasa ilalim ng Job Order Contract of Service ayon sa Civil Service Commission.

“Ang hirap po na ang gobyerno mismo natin ang number one na violator ng garantiya ng Konstitusyon para sa security of tenure, samantalang hindi nito napupuno ang mga vacancy ng mga permanenteng posisyon sa mga opisina nito,” hinaing ng senador.

Sa panunungkulan ni Villanueva bilang mambabatas, siya ang may-akda ng “Civil Service Security Tenure Act” at “Skills Certificate Equivalency Program Act” mga batas na naglalayong magsulong ng proteksyon at karapatan ng mga contractual workers at graduate ng technical-vocational courses na may National Certificates.

“Paulit-ulit na po tayong humihingi ng paliwanag kung bakit nabibigo itong punuan ang mga permanenteng posisyon habang libo-libo naman sa mga empleyado nito ay walang regular na kontrata. Hindi po ito katanggap-tanggap lalo na’t inamin pa ng pamahalaan na dadami pa ang Pilipinong walang trabaho dahil sa patuloy na paglaki ng ating labor force,” pahayag ng mambabatas.

Photo credit: Facebook/joelvillanueva.ph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila