Tuesday, May 14, 2024

Villanueva Sa PRC: Ipatupad Na Ang Computerized Licensure Exams

4

Villanueva Sa PRC: Ipatupad Na Ang Computerized Licensure Exams

4

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nabahala si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa “long overdue” na computer-based licensure examinations (CBLE) project ng Professional Regulation Commission (PRC), gayong dalawang dekada na ang nakalipas mula nang isabatas ang PRC Modernization Act of 2000 (Republic Act No. 8981).

Sa pagdinig ng Senado sa proposed 2023 PRC budget, iminungkahi ni Villanueva na isagawa na ang CBLE sa kabila ng mga kanselasyon ng licensure examinations sa nakalipas na dalawang taon.

Ayon sa PRC, nakapagsagawa lang ng 11 sa 85 na licensure exams noong 2020, at 62 sa 101 tests noong 2021, ayon sa datos ng PRC. Kabilang dito ang Licensure Examinations for Teachers (LET) kung saan apat na beses ito naudlot sa pagitan ng 2020 at 2021.

Sinabi ni Villanueva na makatutulong ang mga CBLE para makabawi ang PRC sa mga kanselasyon ng licensure exams dulot ng kalamidad o health emergencies gaya ng pandemya. 

“Dalawang dekada na ang dumaan matapos ipasa ang Republic Act No. 8981 at dalawang taon ng pandemya na ang lumipas, kaya very long overdue na ang kapasidad ang PRC para magsagawa ng malawakan at efficient na mga CBLE,” sabi ni Villanueva.

Sinabi ni Villanueva ang mga pahayag na ito pagkatapos malaman kay PRC Commissioner Dr. Jose Cueto Jr na walang pondong nakalaan para magsagawa ng mga CBLE sa mga PRC regional offices para sa susunod na taon.

“Huwag na tayong maghintay ng dalawampung taon pa. We needed a fully functional CBLE years ago. We are eager to hear from the PRC its modernization plans for transitioning to a digitalized system of conducting licensure exams.” sabi ni Villanueva.

Aniya, “malayo pa ang kailangang takbuhin ng PRC” para makahabol sa demands ng “Fourth Industrial Revolution.”

Inaatasan ng Republic Act No. 8981 ang PRC na magpatupad ng “full computerization of all licensure examinations by the various professional regulatory boards.”

Ngunit sa datos ng PRC, isang CBLE lamang ang naisagawa nito noong 2021, at hanggang pito lamang ang maisasagawa nito ngayong 2022. 

Nabanggit rin ni Cueto sa pagdinig sa Senado na wala pa ring kapasidad ng ahensya na magsagawa ng mga CBLE sa karamihan ng mga PRC regional offices.

Babala ni Villanueva, nauunsyami ang kabuhayan ng mga examinees dahil sa mga kanselasyong ito, at napipilitan pang maghintay ng hanggang anim na buwan para sa susunod na exam schedule na kung saan kukuha pa sila ng slot kasabay ng bagong batch ng mga examinee at ang mga repeat examinee.

Dagdag ni Villanueva, “obvious solution” ang CBLE upang mas marami ang makakuha ng board exams lalo na iyong mga isinasagawa sa limitadong bilang ng testing sites sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Photo Credit: Facebook/senateph

President In Action

Metro Manila