Muling isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang high value crop production at organic farming dahil sa limitadong diversity, mababang produksyon, at kauting matagumpay na high-value na negosyo sa sektor ng agrikultura.
Simula nang ipatupad ang Republic Act No. 7900 o ang High-Value Crops Development Act of 1995, inamin niya sa isang pahayag na matagal pa bago makamit ang mithiin dito.Â
Sinabi ni Villar sa ika-28 na anibersaryo ng implementasyon ng High Value Crops na ipinasa ang batas upang pag-iba-ibahin ang crop production at isulong ang pag-unlad ng agribusiness.
“High-value crops refer to crops that have defined regular or niche market or has potential domestic and/or export markets, or command high prices, whether in fresh or processed form,” aniya.
“High-value crops provide higher net returns per hectare or crops that have competitive returns on investments,” dagdag ng mambabatas.
Sa pagkalipas ng 28 na taon matapos itong ipatupad, binanggit niya na wala pang high-value crops o non-traditional crops sa bansa.
Dagdag rin ni Villar na kinakailangan ang organic farming para pangasiwaan ang basura at ibaba ang input cost.Â
“The National High Value Crops Program has been with me in promoting composting. They have been distributing shredders and composting machines thru the Bureau of Soils and Water Management to farmers to process their kitchen, garden, and farm waste to improve soil fertility to correct the degradation of our soils,” aniya.
“During the pandemic until now, I do it nationwide. Vegetables are efficient to generate cash even from a small plot of land in a short period of time and help farmers to improve their livelihood. In urban areas I have been encouraging Community gardens,” dagdag ni Villar.