Pinangunahan ni Senator Cynthia A. Villar ang pagbubukas ng Wetland Center Building sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) kasabay ng pagdiriwang ng World Migratory Bird Day.
“My purpose in building this Wetland Center is to educate and to help raise the public consciousness about wetlands,” ayon kay Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources.
Binigyan diin niya na mahalagang ecosystems ang wetlands (katubigan) dahil sa kontribusyon nito sa biodiversity, climate mitigation at adaptation, freshwater availability at sa economies.
Ang Wetland Center, ayon sa mambabatas, ang kanilang solidong gusali at kontribusyon sa Philippine wetlands.
Sanhi ng “archipelagic nature” ng bansa, sinabi niya na marami tayong wetlands na kailangang bigyan ng atensiyon.
Base sa 2016 Atlas of Philippine Inland Wetlands and Classified Caves, may 314 inland wetlands at 2,487 river systems ang Pilipinas Sa 314 wetlands, may 221 lakes, 12 marshes at swamps, 9 peat lands, 39 water storage, at 31 ponds.
Subalit dismayado ang senador sa pagbalewala ng karamihan sa kahalagahan ng wetlands. Partikular na tinukoy niya ang LPPWP na palagiang nahaharap sa mga banta ng reklamasyon.
Bukod sa pagiging Ramsar site, iginiit ni Villar na isang “protected area” ang LPPWP sa bisa ng Republic Act No. 11038 o ng Expanded NIPAs Act of 2018.
Ipinahayag niya na kilalang environmental advocate na ang LPPWP ay mahalagang coastal wetland at susi sa biodiversity site para sa maraming mga ibon.
“Due to this, it is fitting to celebrate World Migratory Bird Day here because Las Pinas-Paranaque Wetland Park (LPPWP). This is an important coastal wetland mangrove that hosts at least 47 species of migratory birds using the East Asian-Australasian Flyway, which include the vulnerable migratory birds with some coming from as far Siberia,” sabi ni Villar.
Sa kabilang dako, nakatuon ang World Bird Day celebration sa pagpukaw sa kaalaman sa migratory birds at kanilang tirahan at ang pangangailangan sa internasyunal na kooperasyon para pangalagaan sila.
Sa idinaos na twin celebrations, ipinakita ng Department of Environment and Natural Resources regional offices at Biodiversity Management Bureau sa Wetland Center museum at auditorium ang audio visual presentations ng Ramsar Sites o Wetlands of International Importance in the Philippines.
Kabilang ang Pilipinas na may walong Ramsar Sites sa 170 nations na lumagdag sa kumbensyong ito.
Photo Credit: Department of Environment and Natural Resources Region 8 Official Website