Friday, January 10, 2025

Villar, Kumpiyansa Sa Pagsasabatas ng SIM Card Registration Act

12

Villar, Kumpiyansa Sa Pagsasabatas ng SIM Card Registration Act

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Umaasa si Senador Cynthia A. Villar na malapit nang maging batas ang SIM Card Registration Act kung saan kailangang irehistro ang lahat ng SIM card sa bansa.

“It is just a step away in becoming a law after the bicameral conference report was ratified by both the Senate and the House of Representatives,” aniya sa isang pahayag.

Umaasa siyang agad na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na ito na hadlang sa online crimes, fraudulent digital activities at scammers at malaking tulong din sa law enforcers para matunton sila.

Bagama’t kinikilala ni Villar ang mga benepisyo ng makabagong teknolohiya- mobile phones at internet, nalulungkot naman siya na nalalagay sa panganib ang buhay, public order o national security at nakapipinsala ang iligal o malisyosong paggamit nito.

Kapag naging batas, kumpiyansa siya na mahihinto ang fraud at iba pang krimen na gumagamit ng SIM card, mobile phones at internet.

“This is a very important piece of legislation was envisioned to curb criminal syndicates, which have become innovative through the years, from victimizing millions of Filipinos,” ayon sa senador.

Matutugunan din nito ang harassment, bullying pati ang misleading advertisements at fraudulent sales promotion. Meron din itong probisyon laban sa trolls.

Sa panukalang batas, kinakailangang irehistro ng lahat ng public telecommunications entities ang SIM cards bilang ‘”prerequisite” sa pagbebenta at activation nito sa Pilipinas na may 120 million mobile subscribers.

Dapat ding irehistro ng social media account providers ang kanilang legal identities at phone numbers para sa bagong account.

Photo Credit: Senate of the Philippines website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila