Wednesday, December 4, 2024

VP Sara Binisita Ng Mga Kinatawan Ng Iba’t-ibang Bansa

18

VP Sara Binisita Ng Mga Kinatawan Ng Iba’t-ibang Bansa

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binisita kamakailan ng mga kinatawan ng iba’t-ibang bansa si Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang mga Facebook post, sinabi ni Duterte na bumisita sa kanyang opisina si Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, New Zealand Ambassador Peter Kell, Thailand Ambassador Tull Traisorat; European Union Ambassador Luc Véron; Qatar Ambassador Ali Ibrahim Al-Malki, Indian Ambassador Shambhu Kumaran, at US Ambassador MaryKay Loss Carlson.

Nagpasalamat si Japanese Ambassador Koshikawa sa nakatakdang pagbisita ni Duterte sa Japan sa susunod na linggo para sa state funeral ni yumaong Japanese Prime Minister Shinzo Abe. 

“Lubos akong nagpapasalamat sa Japan bilang ating No. 1 Partner in Development, Investment and Trade sa taong 2002-2021, at ang No. 1 contributor natin sa “Build, build, build” program ng administrasyong Duterte na nakapag-generate ng mahigit 6.5 milyong trabaho sa mga Pilipino mula 2016 hanggang 2020,” ani Duterte.

Samantala, nagkaroon naman ng mga usapan ang pangalawang pangulo at si New Zealand Ambassador Kell tungkol sa bilateral relation ng New Zealand at ng Pilipinas.

Ayon kay Duterte, sinabi sa kanya ni Kell na ang New Zealand ay malaki ang focus sa Mindanao sa layuning mas palakasin pa ang peace process, mga programa para sa kababaihan, agrikultura, renewable energy at capability building, learning and training opportunities para sa mga Pilipino.

“Ibinahagi rin ni Ambassador Kell ang isa sa flagship programs ng New Zealand sa bansa ang pag expand ng Philippines’ digital governance space o ang “G2G for Development Initiative” na naka-pokus sa Ease of Doing Business and streamlining of government services na makakatulong na maging mas kilala ang bansa na investment destination,” dagdag niya.

Ipinaabot naman ni Thailand Ambassador Traisorat ang kanyang pagbati sa Davao City sa tagumpay nito bilang kilalang destinasyon ng turismo at kalakalan.

Sinabi ni Duterte na ibinahagi rin Traisorat ang “2 countries, 1 destination” na programa kung saan nakipag-ugnayan ang Thailand sa Department of Tourism upang mas mapalago ang turismo sa Pilipinas, kabilang na rito ang pagpapatayo nila sa bansa ng Dusit Thani Hotels and Resorts.

“Ipinaabot rin niya ang kanyang pasasalamat sa aktibong partisipasyon ng Pilipinas sa Asean (Association of Southeast Asian Nations. Ayon sa kanya, taos-puso niyang sinusuportahan ang digitalization ng edukasyon dito sa Pilipinas,” dagdag ng pangalawang pangulo.

Ipinahayag naman ni European Union Véron kay Duterte ang kanyang paniniwala na ang edukasyon ay isang batayan ng “national competence,” at handa siya na tulungan ang Pilipinas upang mas mapalakas pa ang sektor ng edukasyon dito sa bansa.

“Pinuri rin niya ang konsepto ng paglalagay ng mga OVP (Office of the Vice President) satellite offices sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang maabot ang mas maraming Pilipino na nangangailangan ng tulong ng gobyerno,” ani Duterte.

Napag-usapan naman nila ni Qatar Ambassador Al-Malki ang ilan sa mga programang pinagtutuunan ng pansin ng OVP tulad ng edukasyon. Natalakay din nila ang magandang epekto ng muling pagbukas ng flights sa pagitan ng Pilipinas at Qatar sa ekonomiya at turismo ng bansa.

Ayon kay Duterte, nagpasalamat rin siya kay Al-Malki matapos nitong ipahayag ang suporta ng kanilang bansa sa ating mga programa sa Department of Education.

“Makikipagtulungan din ang Office of the Vice President sa Qatar government para sa distribusyon ng ng mga FIFA bags sa mga nangangailangang kabataan ngayong Oktubre — bilang promotion sa kanilang nalalapit na FIFA World Cup hosting ngayong Nobyembre,” aniya.

Technological innovations naman sa larangan ng edukasyon ang napag-usapan nila ni Indian Ambassador Kumaran kung saan ipinahayag nito ang suporta sa Pilipinas matapos ibahagi ni Duterte ang direksyon ng edukasyon at kung paano ito makababawi bilang sektor mula sa pandemya.

“Masaya din nating marinig mula kay Ambassador Kumaran na maganda ang pagtugon ng India sa medical education ng Davao City— kung saan maraming estudyanteng Indian ang nandoon para mag-aral,” ani Duterte.

Napag-usapan namin nila ni US Ambassador ang mga programa ng OVP at ng Education department gaya ng paglalagay ng satellite offices sa ibat-ibang bahagi ng bansa upang ilapit ang gobyerno sa mga nangangailangn, at ang Libreng Sakay na magbibigay benepisyo sa mga Pilipinong umaasa sa public transportation araw-araw. 

Bilang Secretary of Education, binanggit ko din ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030 na naglalaman ng ating mga plano sa pagpapaunlad sa mga kabataang mag-aaral at sa estado ng edukasyon sa bansa,” aniya.

Photo Credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila