Wednesday, January 22, 2025

TELENOVELA SA POLITIKA!

1284

TELENOVELA SA POLITIKA!

1284

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dear Politico,

Magandang araw! Hindi ko na po napigilang mapasulat dahil sa labis na pagkadismaya sa mga ahensya ng gobyerno. Bilang isang concerned citizen, pakiramdam ko ay oras na para pag-usapan natin ang nangyayaring identity crisis na kinasasangkutan ni Bamban Mayor Alice Guo.

Una sa lahat, ang sitwasyong ito ay nakakatawa! Saan ka nakakita na isang mayor sa Pilipinas ay posibleng hindi Pilipino? 

Kitang kita sa issue na to ang pag-abuso sa late registration process ng PSA. Nahihiwagaan din ako sa pagpayag ng Comelec na tumakbo bilang mayos si Guo na bigla na lang sumulpot sa Bamban. 

Huwag nating kalimutan ang mga ebidensyang ipinakita nina Senator Risa Hontiveros at Senator Sherwin Gatchalian na si yorme ay posibleng si Guo Hua Ping, isang Chinese national. 

Kinumpirma ng NBI na ang fingerprints ni Mayor Guo ay na tumutugma kay Guo Hua Ping. At may bagong twist pa! Isa pang “Alice Guo” ang nakalkal ng NBI sa database nito na kapareho ng lahat ng impormasyon ni mayor pero ang mga fingerprint naman ang hindi tumutugma. 

Parang tayong nanonood ng telenovela, ‘yun nga lang, nakakaapekto sa totoong buhay at sa national security natin. Seryoso, ano ang nangyayari sa ating mga ahensya ng gobyerno? 

Sa ating mga ahensya ng gobyerno paki ayos po ang mga trabaho nyo! Kailangan natin ng transparency, at higit sa lahat, ang katotohanan.

Nagtatanong,

Emilio dela Cruz

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph’s management and staff.

Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila