Wednesday, January 8, 2025

WALA NANG LUSOT ICC? Warrant Vs Duterte Inaasahan Bago Mag Pasko!

2103

WALA NANG LUSOT ICC? Warrant Vs Duterte Inaasahan Bago Mag Pasko!

2103

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naniniwala at umaasa ang human rights lawyer na si Kristina Conti na maglalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court o ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taon. Kaugnay ito sa kaso na isinampa laban sa dating pangulo at iba pa ukol sa kanilang alleged involvement on crimes against humanity kaugnay sa drug war.

Iyan ang pahayag ni Conti, isa sa mga co-counsel na lumalaban para sa mga pamilya ng biktima ng alleged extra-judicial killings (EJKs) noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Saad ni Conti sa Inquirer.net, bagamat mahirap, posible ang warrant of arrest kung mapapatunayan nila sa ICC na may agarang pangangailangan para sa pagdakip kay Duterte at kanyang mga kapwa akusado.

Paliwanag ni Conti, may sense of urgency para sa arrest warrant dahil may mga kapwa akusado ang dating pangulo na nananatiling may panunungkulan hanggang ngayon sa pamahalaan at maaaring gamitin ang kanilang posisyon para makapag-impluwensya sa mga imbestigasyon, paggawa ng policy, o makapag-intimidate ng mga witnesses.

Kasama na dito, aniya, si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na sa isang privilege speech ay nagmungkahi ng isang measure para i-ban ang cooperation ng bansa sa ICC, halintulad sa isang batas sa United States na nagbabawal sa kanyang mga korte, ahensya at local governments na makipag-cooperate sa ICC.

Dagdag pa niya, nakabalik na rin sa Davao City, ang balwarte ni Duterte, ang mga tinaguriang “DDS cops” o mga pulis na dawit sa “Davao Death Squad.”

Bukod sa dating pangulo, si dela Rosa ang isa sa mga principal respondents sa kasong isinampa sa ICC. Si Vice President Sara Duterte naman ang isa sa mga secondary respondents kasama ang iba pang police officials na involved sa drug war noong panahon ng Duterte administration.

Dalawang taon na ang nakakaraan mula ng dinggin ng ICC ang allegations ng EJKs noong panahon ng dating pangulo at nung nakaraang taon nga ay nagpadala ito ng sariling mga imbestigador para personal na mag-imbestiga. 

Ayon kay Conti, may mga kaso nang na-resolve ang ICC na mas maikli sa dalawang taon, subalit ang mga ito ay mga ongoing conflicts tulad ng pag-issue ng warrant of arrest laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ukol sa ongoing conflict nito laban sa Palestine at Russian President Vladimir Putin ukol naman sa ongoing conflict nito laban sa Ukraine.

Sakaling maglabas ng warrant of arrest ang ICC laban sa dating pangulo at kapwa niya akusado, maaari lamang itong ma-i-serve kung ito ay may pahintulot ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Photo credit: Facebook/officialpdplabanph 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila