Mananatiling kapatid ang turing ni Manila Mayor Honey Lacuna kay dating Mayor Isko Moreno kahit napapabalitang nagbabalak itong bumalik sa city hall.
“I respect the decision of former Mayor Isko Moreno Domagoso, while also acknowledging that he still has time to reconsider his plans. I will continue working for Manila because the Manileños are my top priority. Despite any political circumstances, I remain Ate Honey to Isko because in Manila, love of family endures,” pahayag niya.
Binanggit din ni Lacuna ang matagal nilang pinagsamahan ni Moreno na nabuo bago pa ang 2019 elections.
“Tanggap ko ang realidad ng pulitika. Batid ng mga Manileño na bago pa man mabuo ang tambalang Isko-Honey noong 2019 elections at mula pa noong nabubuhay pa ang aking ama at Asenso Manileño founder Danilo Lacuna Sr, turingang magkapatid na ang panata namin ni Isko sa isa’t isa,” aniya. “On my part, that commitment remains as my sibling love for him has not changed.”
Sa kabila ng potensyal na banggaan nila sa pulitika, nagpahayag ang mayor ng tiwala sa dedikasyon nila ni Moreno pagdating sa kapakanan ng mga Manileño.
“In my heart, I am confident that we are both dedicated to serving the Manileños. Thus, I am giving my dear brother, former Mayor Isko Moreno Domagoso, time to reconsider his plans. He still has time to reflect on his decision. As his Ate in public service, I am here to guide him.”
Binigyang-diin din ni Lacuna ang kanyang patuloy na dedikasyon sa paglilingkod sa mga mamamayan ng Maynila.
“My top priority will always be caring for and serving all Manileños, as mandated by them in the last election,” aniya. “This focus will remain until the filing of candidacies and beyond, if the trust of Manila in our leadership continues.”
Kinilala rin ng alkalde ang nalalapit na halalan bilang isang makabuluhang sandali para masuri ng mga taga-Maynila ang kanyang pamumuno.
“I acknowledge that the upcoming election in Manila will be a test for the Manileños to weigh my character, leadership, service, and vision for Manila. This is part of our commitment to democratic principles. We are here not for personal ambition but for the welfare of the Manileños and the honor of our nation, represented by Manila as its capital.”
Photo credit: Facebook/iskomorenodomagoso