Sunday, January 12, 2025

Walang Bitterness! Reps. Arroyo, Ungab Tanggap Ang Pagkakatanggal Sa Pagka-Deputy Speakers

48

Walang Bitterness! Reps. Arroyo, Ungab Tanggap Ang Pagkakatanggal Sa Pagka-Deputy Speakers

48

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kalmadong tinanggap nina dating pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang desisyon ng House of Representatives na tanggalin sila sa kanilang mga posisyon bilang deputy speakers. 

Sinniguro rin nila ang patuloy suporta sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Si Macapagal-Arroyo, na kasalukuyang nasa labas ng bansa, ay nagpahayag ng kanyang patuloy na katapatan sa pamumuno ni Romualdez, aniya, “I’m currently out of the country. However, as I always said, I continue to support the leadership of Speaker Romualdez.”

Sa kabilang banda, kinikilala naman ni Ungab ang desisyon ng House Leadership at sinabing, “I accept the decision of the House Leadership to remove me from my position as Deputy Speaker. I have been in Congress long enough to understand the dynamics and interpersonal relations among its members.”

Nagpasalamat din siya sa mga taong naging “meaningful, memorable, and worthwhile” ang kanyang panunungkulan bilang deputy speaker. Sa kabila ng kanyang pagkakatanggal, iginiit ni Ungab ang kanyang suporta sa kasalukuyang administrasyon at sa mga programa nito at binigyang-diin ang kanyang paniniwala sa potensyal nitong lumikha ng magandang kinabukasan para sa mamamayang Pilipino.

“I accept my fate without any rancor nor bitterness. I leave the deputy speakership’s position assured that I have performed my duties well, with the best intentions and great love for my country,” aniya.

Paliwanag ni Office of House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, ang desisyon na tanggalin sina Macapagal-Arroyo at Ungab ay batay sa katotohanang sila lamang ang hindi pumirma sa isang krusyal na resolusyon ng Kamara na itinataguyod ng buong pamunuan.

Ang resolusyong ito ay itinuring na pinakamahalaga dahil kinakatawan nito ang sama-samang intensyon ng pamunuan ng Kamara na magkaisa sa pagtatanggol sa institusyon sa gitna ng mga batikos at pag-atake kamakailan. Naniniwala ang pamunuan ng Kamara sa kahalagahan ng pagpapanatili ng pagkakaisa at lakas sa mga panahong ito ng hamon, na mahalaga para sa epektibong paggana ng institusyon.

Habang iginagalang ang mga indibidwal na opinyon at desisyon ng mga miyembro nito, idiniin ng pamunuan ng Kamara na ang mga posisyon sa pamumuno ay may mga tiyak na responsibilidad at inaasahan, kabilang ang pagkakahanay sa mga kolektibong desisyon sa mahahalagang usapin. Ang desisyon na alisin sina Macapagal-Arroyo at Ungab sa kanilang mga tungkulin ay dahil sa kanilang pagpili na huwag lagdaan ang resolusyon, na nagpakita ng pagkakaiba sa kanilang mga pananaw mula sa kolektibong paninindigan ng pamunuan.

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila