Saturday, January 11, 2025

Walang K! Sen. Hontiveros Kinastigo Ang ‘Pangmamando’ Ng China Sa Pinas

36

Walang K! Sen. Hontiveros Kinastigo Ang ‘Pangmamando’ Ng China Sa Pinas

36

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing binatikos ni Senador Risa Hontiveros ang babala ng China sa Pilipinas kasunod ng mensahe ng pagbati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong pangulo ng Taiwan. 

Sa isang pahayag, hinimok niya ang administrasyon na i-align ang foreign policy nito at idiniin na walang karapatan ang China na diktahan ang mga Pilipino.

“The administration should get its act together. We cannot have the President, the chief architect of foreign policy, say one thing, while the Department of Foreign Affairs says another,” giit ni Hontiveros sa isang opisyal na pahayag.

Binigyang-diin niya na ang China ay walang awtoridad na magdikta sa Pilipinas, at sinabing, “Wala silang karapatan pagmanduhan tayo gaya nang wala silang karapatan maglayag diyan sa West Philippine Sea.”

“As I’ve called for before, we must review this so-called One China Policy. China has done far worse things in our territories compared to a congratulatory message to Taiwan,” dagdag ng mambabatas, na binigyang-diin din ang pangangailangan para sa reassessment sa pagkilala ng Pilipinas sa One China Policy.

Ipinatawag ng China ang ambassador ng Pilipinas noong Martes, at sinabihan ang Pilipinas ng, “not to play with fire.” Inakusahan ni Ministry spokesperson Mao Ning si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ng paglabag sa mga political commitment sa China at walang pakundangan na nakikialam sa mga internal affair nito.

Binati ni Marcos ang bagong pangulo ng Taiwan na si Lai Ching-te noong Lunes, at nagpahayag ng pag-asam para sa  “close collaboration” at “strengthening mutual interests.” Si Lai, na kilala sa kanyang commitment para sa de-facto independence ng Taiwan, ay umani ng galit mula sa Beijing.

Bilang tugon sa babala ng China, ipinagtanggol din ni Hontiveros ang karapatan ng Pangulo na magpadala ng pagbati, at sinabing, “China has no business telling Filipinos what to say or not.”

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila