Wednesday, January 8, 2025

WALANG KAWALA! Ocampo, Castro Dapat Managot Sa Batas – Solon

1311

WALANG KAWALA! Ocampo, Castro Dapat Managot Sa Batas – Solon

1311

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing ipinahayag ni Duterte Youth Party-list Representative Drixie Cardema na wala nang kawala si ACT-Teachers Party-List Rep. France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa batas matapos umano mang-kidnap at dalhin ang ilang estudyante sa New People’s Army (NPA) areas.

May sala sa kasong kidnapping si Castro at Ocampo ayon sa Tagum City Regional Trial Court dahil sa kanila umanong trafficking sa mga bata galing sa Talaingod, Davao del Norte.

“Una, anong ginagawa ng dalwang Kongresista sa dilim ng kanayunan at kabundukan at sa isang NPA infested area? Pangalawa, nagdala kayo ng mga kabataan papunta sa NPA-infested area tapos walang paalam sa mga magulang, kidnapping talaga yun,” hirit ni Cardema.

Ayon sa kanya, hindi naangkop ang pagpapakilala sa dalawa bilang mga “kinatawan ng mga guro, at sinabing ang pagdadala pa lamang nila Castro sa mga bata sa isang liblib na lugar ay banta na agad sa kanilang seguridad lalo na’t wala silang pormal na paliwanag kung bakit kailangan nilang gawin ito.

“[T]he Court said that considering the hazardous terrain where you brought the children, they might fall into the ravines and off the mountain cliffs, might be bitten by snakes and insects, and might be shot because it is an NPA-infested area.”

Dahil dito, sinabi niya na nararapat lamang na mapatawan ang si Castro at Ocampo ng apat hanggang anim na taong pagkabilanggo upang mapagbayaran umano ang kanilang pamimilit sa mga bata na maaring magdulot ng trauma sa kanila.

“Walang session ngayong buwan ang Kongreso, naka-adjourn, magbabalik pa lang ang session sa SONA pa. Wala kayong immunity ngayon,” mariin sinabi ni Cardema.

Dagdag pa niya, dapat ay maging bukas na ang mga mata ng taumbayan sa mga “makakaliwang kongresista” na ito na nagpapahamak sa mga batang walang kamuwang-muwang.

“Ngayon alam na ng lahat, kayo tlgang mga makakaliwang kongresista ang nagdadala sa mga kabataang Pilipino […] papunta sa bundok, kapahamakan, at sa NPA Areas, beyond reasonable doubt sabi ng korte, kayo talaga!”

Photo credit: Facebook/ACTteachers

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila