Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng transparency at accountability sa laban kontra korapsyon sa gobyerno.
Aniya, ang pamahalaang nakikinig, mabilis kumilos, at tumutugon sa mga pangangailangan ng publiko ay nagtatatag ng tiwala at kredibilidad. Dagdag pa ni Angara, kaakibat ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng maayos at dekalidad na serbisyo sa mga guro at mag-aaral.
Binanggit niya ang mga reporma ng Department of Education (DepEd) upang gawing mas bukas at efficient ang kanilang sistema. Kabilang dito ang:
- Pagbubukas ng communication lines
- Data-driven governance
- Early Procurement Activities
- Mahigpit na pagsunod sa National Government Procurement Reform Act
- No-collection policy
- Zero tolerance for bid manipulation
- Walang Korapsyon sa DepEd (No Corruption in DepEd) online platform para sa pagrereport ng procurement irregularities
“Hindi lang dapat tapat ang gobyerno, dapat mabilis at maasahan din,” sabi ni Angara.
Tiniyak din niya ang pakikipagtulungan ng ahensya sa Office of the Ombudsman upang tuluyang burahin ang korapsyon sa ahensya.
“We owe it to our learners, to their parents, to our citizens to maintain the highest level of integrity in everything that we do. Katuwang namin kayo sa tapat at mas maayos na Sistema,” dagdag pa ng mambabatas.
Photo credit: Facebook/DepartmentOfEducation.PH