Ipinagmalaki ni La Union Governor Rafy Ortega-David sa kanyang unang State of the Province Address ang mga tagumpay at adhikain ng kanyang P.U.S.O. Agenda.
“Decision-making processes shall remain open until it becomes the norm. Citizens are not mere spectators but active participants in shaping their own destinies,” aniya at binigyang-diin ang transparency at accountability sa pamamahala.
Ang people-centered approach ni Ortega-David ay nagbunga ng mga makabuluhang tagumpay para sa La Union, kabilang ang tatlong ISO Certifications – na hindi pa nagagawa sa ibang mga provincial government.
Kitang-kita ang pagbabago ng La Union sa ilalim ng pamumuno niya, kung saan natanggap ng lalawigan ang Seal of Good Financial Housekeeping, Zero Outstanding COA Audit Suspension and Disallowance, at naging benchmark sa competitiveness, na naranggo bilang ika-11 Most Competitive Province sa bansa.
Nasa sentro ng pamamahala ni Ortega-David ang kanyang commitment sa basic needs, aniya “We must be unwavering in our commitment to break the barriers that prevent access to basic needs. Not one can be truly successful if anyone is left behind.”
Iniulat din ng gobernador na ang La Union ang naging unang probinsya na nagpatupad ng menstrual privilege para sa mga babaeng empleyado nito at binigyang diin ang mga pagsisikap na magbigay ng medikal at dental outreach sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas.
Naglaan din ang La Union P60 milyon sa healthcare infrastructure, na pinakinabangan ngayon ng lahat ng limang district hospital at isang medical center sa probinsiya. Ang suporta ng lalawigan ay higit pa sa kalusugan, dahil naglaan ito ng P300,000 para sa Pederasyon ng May Kapansanan ng La Union at mahigit P37 milyon para sa emergency shelter, medical, burial, at livelihood assistance.
Higit pa rito, inihayag ni Ortega-David ang paglahok ng La Union sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipinas Program ni Pangulong Bongbong Marcos, na muling pinagtitibay ang kanyang pangako na iangat ang buhay ng kanyang mga nasasakupan.
Kitang-kita rin ang dedikasyon ng gobernador sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Ang La Union ay naging pangunahing destinasyon ng agri-turismo, at ang umuunlad na sektor ng turismo nito ay pinalakas pa ng pagho-host ng World Surfing League. Ang ekonomiya ng lalawigan ay umunlad sa ilalim ng suporta ng kanyang administrasyon para sa mga lokal na negosyo, na nagresulta sa dagdag na trabaho at enhanced economic well-being nito.
Siniguro rin niya ang greener future sa pamamagitan ng Kalikasan Naman Campaign, pagtatayo ng mga sanitary landfill at quarry outpost, at ang pagpapagawa ng mga sewage treatment plants para sa lahat ng LGU.
Binigyang-diin din ni Ortega-David ang kanyang pangako sa pagbuo ng maayos, malusog, at matatag na lalawigan para sa susunod na henerasyon, at iginiit na, “Every action we take, every policy we initiate, and every endeavor we embark upon is not merely for the present, but for the promise of a better tomorrow.”
Photo credit: Facebook/LGUlaunion