Nanindigan ang Malacañang nitong Martes na walang plano si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magdeklara ng martial law o pahabain ang kanyang termino kasunod ng reorganisasyon ng National Security Council (NSC) sa ilalim ng Executive Order 81.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nakatuon ang administrasyon sa mga pangunahing layunin tulad ng pagpapalago ng ekonomiya, pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan, at pagtutok sa mga legacy projects ng Pangulo.
“It’s not about martial law. It’s not about extending himself in power. No, he has no thinking about that. He does not even think in those terms,” ani Bersamin bilang tugon sa mga batikos ukol sa reorganisasyon ng NSC.
Binigyang-diin din niya na may karapatan ang Pangulo na i-reorganisa ang ahensya upang masiguro na ang kanyang mga tagapayo ay may buong tiwala at kumpiyansa niya.
Photo credit: Facebook/pcogovph