Wednesday, January 22, 2025

‘Walang Naniniwala Sa Inyo!’ Kamara Bantay-Sarado Sa Senado – Sen. Joel

30

‘Walang Naniniwala Sa Inyo!’ Kamara Bantay-Sarado Sa Senado – Sen. Joel

30

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ipinangako ni Senador Joel Villanueva na nakatutok ngayon ang mga mata ng Senado sa mga galawan sa loob ng Kamara matapos ang gulong idinulot ng kontrobersyal na People’s Initiative o PI sa buong Kongreso.

Sa pagbubukas ng hearing ng Senate Committee on Constitutional Amendments, tiniyak niya na may isang salita ang Senado pagdating sa pagsusuri sa mga amendment sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon. Binigyang-diin ni Villanueva ang dedikasyon ng Senado na tiyakin na ang proseso ay tama at hindi madalian katulad ng tinatawag niyang “pekeng PI.”

“Ang Senado po kasi uulitin ko ay may isang salita. This was our commitment from the very beginning, and we only went off-track because of this ill-fated “Pekeng Initiative” that was pushed by some quarters with the support of the House of Representatives. Klaro po yan. Wala naman na pong naniniwala na sa kanila na wala silang kinalaman dito.”

Dagdag pa niya, hindi naniniwala ang Senado na sarado ang usapin sa PI, kaya ito ay mananatiling mapagmasid upang mapigilan ang kung ano man mga nabubuong plano sa loob ng Kamara. 

“Habang nakatutok kami dito sa RBH 6 hearings, todo bantay pa rin tayo sa galaw ng mga kasamahan natin sa House. Experience has taught us that what they say in the House and what they do can be two different things. We will make sure their words and actions are consistent.”

Nilinaw din ng mambabatas ang posisyon ng Senado hinggil sa tinatawag na “ceasefire” tungkol sa PI, at sinabing bagamat hindi na ito makikipagtalo sa isyu ay hindi rin ibig sabihin ay ititigil ng mga senador ang kasalukuyang imbestigasyon.

“Kasi syempre kung may nakita po tayong sablay. Tumatawa po si Senator Bato kasi ang dami na niyang nakitang sablay. Kapag may nakitang sablay ang Senado, talagang iimbestigahan po ito. Hindi naman po tayo magkikibit balikat.”

Sa huli, binigyang-diin ni Villanueva ang dedikasyon ng Senado sa tungkulin nito: “Ang bottomline po dito is ginagawa ng Senado ay yung ating trabaho. Trabaho po natin ito. Kaya naman namin isabay ang pagdinig at pag-investigate.”

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila