Pagsasayang lang ng oras ng Kongreso ang nangyayaring bangayan ukol sa sinasabing “leaked” documents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-uugnay kay Pangulong Bongbong Marcos sa iligal na droga, giit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.
Sa isang pahayag, iginiit niya na maraming importanteng isyu sa bansa na dapat tutukan ang mga mambabatas dahil una pa lamang ay halata nang peke ang mga dokumentong ito.
“[W]e should not waste scarce and valuable government resource conducting investigations in aid of legislation with only one witness who is not at all credible and based solely on that witness’ fake document and hearsay allegations so that we don’t get accused of grandstanding, or in the worst case scenario, used in a demolition job,” saad ni Barbers.
Aniya, masyado ng luma ang mga dokumento na ipinakita ni dating PDEA officer Jonathan Morales kaya malaki ang posibilidad na peke ang mga nilalaman nito. “If the document is fake, we should not waste time looking for the original because there is none.”
Dagdag ng mambabatas, paulit-ulit na lang ang sinasabi ni Morales sa mga nagdaang hearing at sa tingin niya ay pag-aaksaya na lang ng oras ito.
“The people were tortured in listening to Mr. Morales’ arrogant presentation of myths and fairy tales, hearsays and double hearsays, uncorroborated and unfounded allegations without an iota of evidence to support them.” aniya.
Dagdag ni Barbers, pinapaikot na lang ni Morales ang mga senador at kongresista sa hearing dahil wala namang katotohanan ang kanyang mga sinasabi base na rin sa kanyang mga pahayag na walang kaukulang ebidensya.
“Una, it’s hard to comprehend what kind of legislation can my committee generate from the stories of Mr. Morales. Si Mr. Morales ay puro wento pero puro wala wenta. Pwedeng sabihin na kathang isip lang yung testimony nya dahil wala ni isa man na material or corroborative evidence. Mr. Morales, tinimbang ka nguni’t kulang.”
Isa si Barbers sa nilapitan ng Kamara upang magbigay ng pahayag ukol sa “PDEA Leaks” ngunit mariing tumanggi dahil sa aniya ay walang kredibilidad na mga dokumento at kahina-hinalang record ni Moreales nung siya ay parte pa ng PDEA.
“Engaging the unfounded and uncorroborated claims and narratives of Mr. Morales is just a waste of time, money, and government resources. It’s much ado about nothing. He is found to be having selective memories of events, parang kwentong barbero lang, when asked to provide details of his tales and allegations.”