Sunday, November 24, 2024

WEH DI NGA? Romualdez ‘Dedma’ Sa Tacloban Prayer Rally

864

WEH DI NGA? Romualdez ‘Dedma’ Sa Tacloban Prayer Rally

864

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binanatan ni Deputy Majority Leader Jude Acidre ang isyu sa naudlot na Tacloban prayer rally. Sinasabing wala raw kinalaman si House Speaker Martin Romualdez sa nangyaring postponement.

Sa naturang open letter ni dating pangulong Rodrigo Duterte, naibulalas ang naudlot na Maisug rally sa Tacloban dahil pinigil di umano ng Marcos administration ang kanilang activities sa naturang lugar.

Dahil dito, mariing pinabulaanan ni Acidre ang paratang na ito at sinabing walang kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa nangyari lalo na si Romualdez.

Aniya, naghahanap lamang ng masisisi ang kampo ni Duterte dahil hindi sapat sa bilang ang dadalo sa naturang prayer rally.

“Malamang sa hindi, naghahanap din sila ng justification bakit hindi marami ang nakarating, no? Kasi kung ako ang tatanungin mo, wala naman kaming kinalaman, si Speaker [Romualdez] wala namang kinalaman.”

Dagdag pa ni Acidre, walang mabuting naidudulot ang prayer rally na ginawa nila dahil puro pambabatikos lamang sa administrasyon ang ginagawa nila dito.

“Huwag naman sana gamitin ito na pamamaraan para bastusin ang ating mga ginagalang nating lider. Mas marami pa yatang mura. Wala naman akong naririnig na panalangin,” aniya.

Ayon pa kay Acidre, walang sapat na dokumento ang kampo ni Duterte para sa kanilang prayer rally dahil hindi maayos ang kanilang request sa local government unit ng Tacloban.

“Base sa information na nakarating sa atin, hindi naman sila nag-apply talaga ng permit eh. Ang ginawa nilang notification sa provincial government ay nagpapasabi lang na gagamit sila ng freedom park. May nakapag-book na po as early as May 10 sa pagkakaalam ko, mayroon nang nag-apply doon sa roadshow ng mga heavy equipment.”

Sa naunang pahayag, matatandaang binanatan ni Digong ang Marcos administration na kumikitil sa freedom of speech dahil pinigilan umano nito ang kanilang prayer rally sa Tacloban na gaganapin sana noong May 25.

Photo credit: Facebook/rodyduterte, House of Representatives official website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila