Sunday, December 22, 2024

‘WELCOME TO THE CHAOS!’ VP Sara Pormal Na Ipinasa Ang Korona Kay Angara

1347

‘WELCOME TO THE CHAOS!’ VP Sara Pormal Na Ipinasa Ang Korona Kay Angara

1347

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mainit na sinalubong ni former Education Secretary at Vice President Sara Duterte si Senador Sonny Angara bilang kapalit niya sa pwesto sa kagawaran nang pormal niyang ipinasa ang tungkulin ng ahensya sa mambabatas.

Bago pa man bumaba sa pwesto si Duterte bilang kalihim ng edukasyon, nagkaroon ng turnover ceremony ang ahensya upang pormal ng pamunuan ni Angara ang Department of Education (DepEd).

Sa kanyang speech, mainit na tinanggap ng bise presidente ang pagkakatalaga sa senador at pabirong sinabing “welcome to the chaos” sa kanyang panimulang pagbati.

Ibinahagi ni Duterte na ang tanging hangad niya ay maging maayos ang edukasyon sa bansa at maging maayos din ang pagtanggap ng taumbayan at mga opisyal kay Angara bilang bagong lider ng ahensya.

“Sana ay kung ano yung pagtanggap ninyo sa akin dito sa kagawaran ng edukasyon noong ako ay dumating noong Hulyo 2022 ay ganyan din ang mainit na pagtanggap at pagmamahal na ipakita ninyo kay Secretary Sonny Angara.”

Kasabay nito, ibinida rin ni Duterte ang ilang programa na nasimulan sa loob ng kanyang dalawang taong panunungkulan. Kabilang na rito ang “Matatag Agenda,” pagpapagawa ng classrooms, at pati na rin ang pagbabalik ng in-person classes matapos ang COVID-19 pandemic.

Aniya, may tiwala siya na sa pamumuno ni Angara ay na maipagpapatuloy ang mga programang kanyang nasimulan na makakatulong sa mga guro at kabataang Pilipino. “Mga kababayan, patuloy po tayong maging matatag tungo sa pagtaguyod ng isang bansang makabata at mga batang makabansa.”

Dahil dito, nanindigan si Angara na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang mapagbuti pa ang kalagayan ng edukasyon ng bansa lalo na’t nasimulan ito ng maganda ng ni Duterte.

“We will build from what you have already started. […]Sama-sama po tayong magtrabaho para sa ating mga minamahal na guro at para sa kabataang Pilipino. Sama-sama tayong magtulungan upang i-angat ang antas ng edukasyon sa bansa patungo sa bagong Pilipinas.”

Kaugnay nito, nagpasalamat din ang senador sa bise presidente at sa resigned executives nito tulad ni Michael Poa para sa kanilang pagpapakita ng suporta para sa turnover ng posisyon bilang kalihim ng DepEd.

“Sa loob ng dalawang taon, kayo po ang naging sandigan ng ating mga mag-aaral at mga guro sa panahon ng mga suliranin. Maraming salamat sa inyong kooperasyon at tulong para sa maayos na transisyon,” aniya.

Ang pagpapalit ng kalihim ng DepEd ay epektibo noong Hulyo 18 matapos ang kontrobersyal na pagbitiw ni Duterte sa puwesto. Matapos ito ay itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Angara na humalili sa puwestong iniwan ng bise presidente.

Photo credit: Facebook/DepartmentOfEducation.PH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila