Friday, January 10, 2025

WORD WAR! Duterte, Nograles Bangayan Sa Medical Assistance

1287

WORD WAR! Duterte, Nograles Bangayan Sa Medical Assistance

1287

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sumiklab ang word war sa pagitan nina Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Migs Nograles sa isyu ng medical assistance para sa mga Davaoeño.

Nagsimula ang bangayan nang kumalat ang isang post sa social media na nagpapakita ng notice sa labas ng opisina ni Duterte na nagsasabing suspendido ang tulong medikal nito dahil sa kakulangan ng pondo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Among gikasubong ipahibalo kaninyo nga temporaryong giundang ang atong medical assistance para sa mga pribadong hospital sa dakbayan tungod kay wala na kita hatagi og pondo sa atong DSWD (We regret to inform you that we have temporarily suspended our medical assistance for private hospitals because we have not received funds from the DSWD),” ayon sa notice.

Mabilis na pinasinugalingan ni Nograles ang post at sinasabing ito ay fake news dahil aniya ay hindi totoong naubusan na ng pondo ang DSWD.

“Wag mapadala sa mga post, clickbait, at misinformation. Ambot nganong ganito ginapakalat ngayon at kaninong office ang naga sabi ng fake news na wala nang pondo ang DSWD. Halos every week nasa DSWD po ako dahil maraming nangangailangan ng tulong at lumalapit sa office namin.”

“Kung totoo na walang pondo ang DSWD, bakit patuloy ang release namin ng medical assistance sa office? Bakit patuloy ang aming barangay caravans including satellite office, bakit patuloy ang programs namin with DSWD para matulungan, hanggat sa makakaya namin, ang mga tao,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Nograles na black propaganda lamang ang nasabing notice.

“Wag lagi magpadala sa fake news, wag din po sana mag post ng ganito para magalit mga tao ng hindi po tama. Thinking and VERIFY before you post, baka kayo po ay mag ginagawa nang masama.”

“Ganyan ang nagdudulot ng FAKE NEWS at ng BLACK PROPAGADA sa mga may motibo na iba para manira,” pagpapatuloy ni Nograles.

Samantala, tumugon naman si Duterte sa pamamagitan ng paglabas ng sarili niyang pahayag, at itinatanggi na sinabi niya na kulang sa pondo ang DSWD. Sa halip, sinabi niya na tumigil ang DSWD sa pagpapalabas ng pondo sa kanyang opisina lamang.

“In my office, we never claimed that DSWD lacked funds. Instead, it is my office that DSWD has ceased to release funds to, and we have consistently communicated this to the people of Davao City and apologized for the situation.”

“There is no black propaganda in that, Madam Congresswoman,” dagdag niya.

Inakusahan din ni Duterte si Nograles na ginagamit ang isyu para makaungos sa politika, at ipinunto na malayo pa ang halalan. Hinimok niya rin si Nograles na tumutok sa pagtulong sa mga taga-Davao City kaysa makisali sa pulitika.

“I just ask that if we are to help, let’s just help. Don’t politicize this because it’s hard on the people, and the election is still far off. I also never forget, Madam Congresswoman, that you were victorious during my father’s time, despite everything that happened back then.”

“Again, I ask that we simply do our job for the people,” aniya.

 

House of Representatives website, Facebook/pulongzduterte

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila