Monday, January 13, 2025

‘You Can be VP’ Inilunsad Ni VP Duterte Sa, Grade 8 Student Isinama Sa Byahe

0

‘You Can be VP’ Inilunsad Ni VP Duterte Sa, Grade 8 Student Isinama Sa Byahe

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa isang pambihirang pagkakataon, nakasama ang isang 14-taong gulang na estudyante mula sa Bacolod City sa byahe ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa Brunei Darussalam at Singapore.

Sa isang social media post, sinabi ni Duterte na si Naomi, na mula sa Mariano G. Medalla Integrated School sa Bacolod City, ay partisipante sa special project ng Office of the Vice President na “You Can be VP.”

“Ang ‘You Can Be VP’ ay isang proyekto ng Office of the Vice President para sa mga kabataang mag-aaral na magkaroon ng pagkakataon makita kung ano ang ginagawa ko bilang Vice President.” paliwanag niya.

Ayon sa bise presidente, naging mahalagang bahagi na si Naomi ng entourage niya sa mga mahahalagang pulong sa Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO). 

“Nais ng special project na ‘You Can be VP’ na mabigyang halaga ng mga kabataan ang edukasyon, magpursige silang isakatuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay, at linangin nila ang kanilang kakayahan na mamuno o leadership skills,” aniya.

Samantala, ibinahagi rin ni Duterte ang mga naging aktibidad niya sa naturang byahe sa Brunei Darussalam at Singapore.

Aniya, nag courtesy call siya Dr. Romaizah Mohd Salleh, ang Minister of Education ng Brunei Darussalam kung saan tinalakay nila ang kanyang mga obserbasyon sa pagbisita sa Sekolah Rendah Pusar Ulak, Seri Mulia Sarjana International School, at SEAMEO VOCTECH Regional Center. 

“Ipinahayag natin ang ating paghanga sa integrasyon ng teknolohiya sa kanilang curriculum at sa mga innovation na ipinapatupad upang mapaniguro na ang mga mag-aaral ay may kakayahan at kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at pakikipag-usap,” kwento ng kalihim.

Mula sa Brunei, dumiretso naman siya sa Singapore at nakipagkita Dr. Vivian Balakrishnan, ang Foreign Affairs Minister ng nasabing bansa, kung saan tinalakay nila ang ilang mga bagay tulad ng usapin sa edukasyon.

“Bilang SEAMEO Council President, magiging oportunidad ito upang malaman ang mga best practices ng Singapore sa larangan ng edukasyon upang maibahagi din ito sa iba pang miyembro ng SEAMEO,” pagdidiin ni Duterte.

“Layunin natin na maiangat ang antas ng edukasyon sa  Southeast Asian region na siya ring numero unong prioridad natin para sa ating mahal na Pilipinas.”

Pinuntahan din niya ang Mandai Wildlife Reserve, isang nature destination na mayroong Bird Park, kung saan matatagpuan sina Sambisig at Geothermica — ang kauna-unahang pares ng Philippine Eagles sa Singapore na mula sa Philippine Eagle Foundation sa Davao City. 

Ayon sa bise president, ang mga ibon ay ipinadala sa Singapore sa layong maparami, maproteksyonan, at ma-conserve ang kanilang species. 

“Nagpapasalamat tayo sa organisasyong ito sa kanilang ginagawa upang mapangalagaan at kalingain ang mg nanganganib ng mga uri ng ibon,” aniya.

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila