Wednesday, January 8, 2025

Zubiri At Revilla: Across-The-Board P150 Minimum Wage Hike Now Na!

3

Zubiri At Revilla: Across-The-Board P150 Minimum Wage Hike Now Na!

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muling iginiit nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang kahalagahan ng dagdag na P150 sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor. 

Ang Senate Bill No. 2022, o ang Across-the-board Wage Increase Act, na iminungkahi ni Zubiri ay approved by principle na ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources. 

Nanawagan siya sa pribadong sektor na suportahan ang panukalang batas, dahil sa pangangailangan ng mga negosyo na ibahagi ang kanilang kita sa kanilang mga manggagawa, lalo na’t nananatiling mataas ang inflation rate. 

“I would like to remind everybody that we already reached a 7.6 percent GDP (gross domestic product growth rate, one of our highest since 1976,” ayon sa mambabatas.

“Pero ang inflation rate natin at the start of the year was 8.7 percent. Bumaba lang po ng 6.6 percent, pero hindi po bumaba diyan ang presyo ng pagkain, kuryente, at tubig. Ang bumaba diyan ay presyo ng iba’t ibang industrial products gaya ng cabilla at semento. Hindi naman yan makakain ng mamamayang Pilipino.”

Sa panig ni Revilla, iiginiit niya ang kahalagahang maisabatas ang dagdag sahod na magpapagaan sa kakarampot na kinikita ng mga manggagawa upang makasabay sa bilis nang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Ipinaliwanag ng mambabatas na dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng basic commodities kabilang na ang produktong petrolyo, napapanahon na umano na muling himayin ang kasalukuyang polisiya upang masigurong matutulungan ang mga manggagawa.

“Noon pa man ay walang mintis ko nang inihahain ang panukalang nagtatakda ng legislated wage increase. Pinakinggan po natin ang hinaing ng ating mga kababayang nagkakandakuba-kuba na sa hirap ng trabaho, sa hiling nilang matumbasan ng tama at sapat ang tapat at maayos na serbisyong handog nila,” paliwanag pa niya

“Everyone is feeling the brunt of these hard times. Maging sa nayon man o siyudad, mga nagtatrabaho sa bukid, sa pabrika at kahit ang mga nag-oopisina ay ramdam ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Panahon na para ipasa ang isang makatarungang across-the-board wage increase para sa kanilang lahat.”

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila