Ibinulgar ni House Committee on Human Rights Chairman Bienvenido Abante Jr. na uumpisahan na ang imbestigasyon sa mga kaso ng extrajudicial killings o EJK na umano’y resulta ng war on drugs ng administrasyon ni dating pangulong Digong Duterte.
Ngunit klinaro niya na kahit itinuturong mastermind ng karumaldumal na WoD sina Duterte at Senador Bato Dela Rosa, hindi minamandohan ng Kamara ang mga ito na dumalo sa paunang imbestigasyon.
“Hindi na po [imbitahan]. I don’t even think that if we invite them that they will be able to attend. We would like to maintain that courtesy with the sitting senator and also with the former president,” ani Abante.
Sa kabila nito, binanggit niya na kasama pa rin sa imbestigasyon ang iba pang kaugnay sa war on drugs at EJKs na nagsilbi noong panahon ni Duterte.
“[I]imbitahan po namin iyong talagang nandoon for example like [former Philippine National Police chief] Gen. [Oscar] Albayalde very much involved iyan and perhaps we will also be able to invite the former DOJ (Department of Justice) secretary Menardo Guevarra to shed light in all these things.”
Ang mga pamilya rin ng mga nabiktima ng “Oplan Tokhang” ay makikipagtulungan sa imbestigasyon dahil ayon sa mambabatas ay sila ang dahilan kung bakit isinusulong sa Kamara ang pagtalakay dito.
“Alleged drug users and dealers po sila, ‘di po sila na-convict because these alleged EJK victims were silenced, they were denied their rights. Now, it is our responsibility to the victims of alleged [EJK] and their families to seek the truth.”
Kaugnay nito, nilinaw ni Abante na ang imbestigasyon ay hindi para maging batikos sa kampanya ng dating administrasyon ngunit para makatulong sa pagpapalawig ng batas na poproteka sa taong bayan.
“There are still many questions from our fellow citizens, and until such time that our people are actively raising concerns about human rights issues, we cannot remain silent. We must diligently pursue our duty in thoroughly addressing the accusations surrounding this matter,” dagdag niya.
Ang nasabing imbestigasyon ay magsisimula sa May 22 at ang kanilang unang target na tulungan para makakuha ng hustisya ay ang mga pamilya ng mga menor de edad na biktima ng EJK killings.