Monday, October 14, 2024

SINTUNADO? Guo, Kinanta POGO ‘Big Boss’; Hontiveros, Nabitin

1269

SINTUNADO? Guo, Kinanta POGO ‘Big Boss’; Hontiveros, Nabitin

1269

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dismayado si Senador Risa Hontiveros sa mga isiniwalat dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa isang executive session ng Senado, kaugnay pa rin sa isinasagawang imbestigasyon sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sa isang pahayag, binigyang-diin niya na kahit isang mahalagang personalidad ang kinumpirma ni Guo sa closed-door session, hindi siya nasiyahan sa mga isiniwalat ng dating mayor.

“Hindi pa din ako masyadong satisfied sa  mga pahayag sa Executive Session, bagamat there was one crucial personality confirmed by Guo Hua Ping. This  corroborates a theory that the Committee  shared a month ago,” ayon sa mambabatas.

Dagdag pa niya, mahalaga ang pagiging patas sa imbestigasyon, partikular na sa mga larawang lumutang na nag-uugnay sa mga dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga operator ng POGO. Idiniin niya ang pangangailangang bigyan ang mga indibidwal na ito ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili. 

“Since photos of a former chief PNP and  other PNP personalities with POGO  personalities were shown, we deem it  important to give them a platform to  respond in the interest of fairness,” ayon kay Hontiveros.

Bago ang naturang sesyon, sinabi ni Guo na siya ay biktima lamang ng sindikato ng POGO. “Hindi po ako mastermind. Masasabi ko po na ako ay victim,” tugon niya sa mga tanong ni Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito.

Para naman kay Ejercito, si Guo ay isang “pawn” sa mga operasyon ng isang international crime syndicate at hinimok siya na ibunyag ang mga tunay na responsable. “I’m expecting that Ms. Alice Guo will divulge the real masterminds behind this operation,” aniya, na tinitiyak kay Guo ang pangako ng Senado sa kanyang kaligtasan.

Ang mga pagdinig ay bahagi ng mas malawak na imbestigasyon na pinangungunahan ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na pinamumunuan ni Hontiveros, na tumutuon sa epekto ng mga ilegal na aktibidad ng POGO sa bansa.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila