Hindi pa desidido si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo kung siya at tatakbong muli sa nalalapit na 2025 mid-term elections.
“Your honor, as of the moment po, wala pa po akong definite na decision for that po,” sabi ni Guo ng matanong ni La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V sa pagdinig ng House quad-committee (quad-comm) kung may plano pa siyang tumakbo sa pagka mayor ng Bamban sa susunod na taon.
Sinabi pa ni Guo na talagang hindi pa nya napag-isipan ang pagtakbo kahit noong wala pa siyang kinakarap na mga kaso. Subalit saad din nya na may mga kapartido siya noong 2022 na tatakbo pa rin upang ma-extend ang kanilang mga termino.
Dagdag pa ni Guo, bago pa man sya makatakas ng bansa noong Hulyo ay hindi siya nakikipag-ugnayan sa kanyang vice mayor at councilors.
Ang deadline sa pag-file ng certificate of candidacy o COC para sa May 2025 midterm elections ay mula Oktubre 1 hanggang 8.
Ito ang unang pagkakataon na nag-attend ang dating Bamban mayor sa hearing ng quad-comm, na kasalukuyang iniimbistigahan sa mga krimen na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), drug war, at illegal drug trade sa bansa.
Nahaharap si Guo sa patong-patong na kaso ng human trafficking at money laundering. Siya ay iniimbetigahan din dahil sa kanyang alleged involvement sa raid ng isang POGO hub sa Pamapanga.
Noong Agusto ng taong ito, nagbaba ng decision and Office of the Ombudsman kung saan nakasaad na si Guo ay dismissed at perpetually disqualified sa pagtakbo sa public office.